-- Advertisements --
Agad na pina-deport ng mga otoridad sa Indonesia ang isang lalaki mula sa Russia matapos na ito ay maghubad ng damit habang nasa ibabaw ng sagradong bundok sa Bali.
Kumalat kasi sa social media ang larawan ng lalaki na ibinaba ang pantalon habang nasa itaas ng Mount Agung.
Kahit na humingi na ng kapatawaran ang lalaki ay pinagbawalan pa rin itong makapasok sa Indonesia ng hanggang anim na buwan.
Ang Mount Agung na nasa pinakamataas sa isla ay pinaniniwalaan ng mga Hindus na bahay ng mga diyos.
Sinabi ni Bali Law and Human Rights Office head Anggiat Napitupulu na nilabag ng lalaki ang kultura at paniniwala ng mga residente doon.