-- Advertisements --

LA UNION – Nasa ligtas na kalagayan ang isang bakasyunistang Russian national matapos maaksidente sa minaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng national highway sa Barangay Tubod, Sto. Tomas, La Union.

Nakilala ang biktima na si Misha Rozhnyev, 24, single, residente ng Madre Ignacia, Metro Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Clinton Amawan, OIC ng Sto. Tomas PNP, sinabi nito na pauwi na ang biktima sa Manila mula sa pagbabakasyon sa bayan ng San Juan, nang maaksidente ito sa nasabing lugar.

Ayon kay Amawan, sinubukan umano ng dayuhan na mag-overtake sa isang tricycle pero nawalan ito ng kontrol sa manibela na naging dahilan ng pagkatatumba nito.

Minor injury lamang ang tinamo ng Russian national at nakauwi rin agad matapos mabigyan ng lunas mula sa rural health unit (RHU) sa nasabing bayan.