-- Advertisements --

Nagkamalay na mula sa pagka-coma si Russian opposition leader Alexey Navalny.

Ayon sa mga doctor ng Berlin’s Charité Hospital, na nagkakaroon na ng responsive verbal stimuli si Navalny.

Patuloy pa rin aniya nilang inoobersahan ito.

Magugunitang bigla na lamang nagkasakit ito matapos umano makainom ng lason.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga doctor sa Germany na nakainom ito ng nerve agent mula sa Novichok group.

Sinisi naman nila si Russian President Vladmir Putin na nasa likod ng insidente na mariing pinabulaanan naman nito.