-- Advertisements --
Nakalabas na sa Berlin ospital si Russian opposition leader Alexei Navalny.
Ito ay matapos ang ilang linggong pananatili matapos na siya ay malason ng Novichok nerve agent.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan na palabas na ng pagamutan.
Pinasalamatan niya ang mga doctor na sumuri sa kaniya.
Patuloy pa rin ang paggiit ng kampo nito na pinalason siya ni Russian President Vladimir Putin na mariing pinabulaanan naman nito.
Magugunitang nangyari ang paglason noong Agosto 20 ng bigla na lamang nawalan ito ng malay habang nasa loob ng eroplano.