-- Advertisements --
Nagpositibo sa pagkakalason si Russian opposition leader Alexey Navalny.
Ito ang lumabas sa pagsusuri ng isinagawa ng mga doctor sa Charite hospital.
Lumabas sa isinagawang medical examination na nakainom ito ng substance mula sa grupo ng cholinesterase inhibitors.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay sumama ang pakiramdam nito matapos uminom ng tsaa.
Mula sa Siberian city na Omsk ay inilipat ito sa Berlin hospital.
Naging matinding kritiko ito ni Russian President Vladimir Putin.
Sa ngayon ay bumubuti na ang kalagayan nito at malayo na sa kapahamakan.