-- Advertisements --
Itinuloy pa rin ni Russian opposition leader Alexey Navalny ang kaniyang hunger strike sa kulungan kahit na ito inuubo at nilalagnat.
Ayon sa kampo nito na mula pa noong nakaraang linggo ay sinimulan niya ang pagsasagawa ng hunger strike bilang protesta sa mga prison officials.
Sinabi pa ng kaniyang abogado na dumaranas ito ng acute back pain na nakaapekto sa kaniyang paglalakad at ang kondisyon na nagmula umano dahil sa torture by sleep deprivation.
Base sa alegasyon nito na walang ginagawa ang mga prison officials para maging malusog ang mga nakakulong.
Ibinunyag din nito na nagkaroon pa ng tuberculosis outbreak sa mga preso na nakakulong sa lugar kung saan mayroong 15 na ang dinapuan ng sakit.