-- Advertisements --

Nilusob ng mga kapulisang ng Russia ang bahay ng kaalyado ni opposition lider Alexey Navalny na si Lyubov Sobol.

Sinabi ng kampo ni Navalny na pinatay ng mga kapulisan at tinakpan ang lahat ng mga cctv sa apartment ni Sobol.

Agad nilang inaresto si Sobol at dinala sa police station.

Paliwanag ng Investigative Committee ng Russia na iniimbestigahan nila si Sobol dahil sa ginawa nitong pagbabanta sa isang miyembro ng Federal Security Service.

Kinuha ng mga kapulisan ang mga gadgets na mula sa activist ganun din sa mga pag-aari ng asawa at anak nito.
Umapela ang grupo nito ng agarang pagpapalaya sa inarestong aktibista.