-- Advertisements --

Ginamitan ng Novichok nerve agent si Russian opposition politician Alexei Navalny.

Ito mismo ang lumabas sa isinagawang toxicology tests sa miltary laboratory sa Germany.

Dinala sa Berlin si Navalny matapos na ito ay ma-comatose ng makainom ng lason.

Inakusahan ng kampo ni Navalny na si Russian President Vladimir Putin ang nasa likod ng paglason na mariing naman nitong itinanggi.

Kinondina ng Germany ang pangyayari at pinagpapaliwanag ang Russia sa pangyayari.

Tiniyak naman ng Germany na kanilang ipaparating sa European Union at NATO.

Magugunitang noong nakaraang buwan ay bigla na lamang nagkasakit si Navalny matapos na ito ay uminom ng tsaa na mayroon umanong lason habang nasa eroplano m ula Tomsk papuntang Moscow.

Ang Novichock o ibig sabihin na “newcomer” sa Russia ay nerve agent na gawa ng Soviet Union mula 1970 at 1980.

Makakaranas ng pagkawalan ng malay ang sinumang makainom nito.

Noong 2018 ay ginamit ang Novichok sa paglason sa dating Russian spy na si Sergei Skripal at anak nitong babae habang sila ay nasa Salisbury sa United Kingdom.