Iginiit ng isang Russian-owned mobile application na hindi nito kasalukuyang pinagkakakitaan ang serbisyo nito sa bansa matapos i-flag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Ayon sa naturang ahensya, ang ride-application ay nag-o-operate sa Baguio, Bacolod, Pampanga, Cebu, Iloilo, at Cagayan de Oro na walang prangkisa at accreditation na mula sa gobyerno.
Bilang tugon, sinabi ng kumpanya sa isang pahayag, nais nilang iparating na kasalukuyan na silang nagsasagawa ng pananaliksik sa merkado upang matukoy ang pagiging angkop ng kanilang ride-application para sa mga consumer ng Pilipinas.
Ang nasabing application ay kasalukuyan umanong hindi kumikita sa loob ng merkado ng Pilipinas.
Dagdag pa ng kumpanya na kasalukuyan na itong gumagawa ng mga kinakailangan upang sumunod sa mga alituntunin at regulasyon ng mga ahensya ng gobyerno ng ating bansa.