-- Advertisements --
Bumagsak ang isang Russian military transport plane na may lulan ng 65 Ukrainian prisoners of war sa bahagi ng Belgorod.
Ayon sa mga awtoridad, isang Il-76 military transport plane na naghahatid ng 65 prisoners war, anim na tripulante at tatlong iba pang tao ang kabilang sa bumagsak na eroplano.
Sinabi ng Russian Defense Ministry na ang mga nahuli na Ukrainian na sundalo ay dinadala sa Belgorod “for an exchange” na hindi tinukoy kung ano ang mga kapalit para sa mga sundalo.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng naturang naganap na insidente ng pagbagsak ng eroplano.