Humahanap lamang umano ng tiyempo si Russian President Vladimir Putin para maghiganti kay Wagner mercenary group leader Yevgeny Prigozhin ayon sa director ng Central Intelligence Agency (CIA) na isang civilian foreign intelligence service ng federal government ng Amerika.
Ayon kay CIA head William Burns, tinitimbang ni Putin kung paano nito haharapin si Prighozin.
Ang mercenary group kasi aniya ay nananatiling mahalaga para sa liderato ng Russia partikular na sa mga lugar gaya ng Africa, Libya at Syria kayat posible na susubukan ni Putin na ihiwalay ang grupo mula sa kanilang lider.
Sa sariling karanasan din aniya ng CIA chief, sinabi nitong ang Russian leader ay isang “ultimate apostle of payback” kayat magugulat na lamang aniya ito kung magawang makatakas ni Prighozin mula sa paghihiganti ni Putin.
Kung maaalala kasi si Prighozin ang nanguna ng armed mutiny o pag-aaklas sa Russia noong nakalipas na buwan bilang paghihiganti matapos mapatay umano ng pwersa ng Russia ang kaniyang mga kasamahan.
Tingin naman dito ng CIA official, nabulgar sa inilunsad na mutiny ng Wagner ang mga kahinaan sa sistema ng pamamahala ni Putin.
Sa kasauluyan, nasa Belarus ang Wagner boos na si Prighozin.