-- Advertisements --

Dumating na sa Mongolia si Russian President Vladimir Putin.

Ito ang unang pagbisita ni Putin sa bansang miyembro ng International Criminal Court (ICC) mula ng magpalabas sila ng warrant of arrest noong nakaraang taon.

Sinalubong siya ni Mongolian Ukhnaagiin Khurelsukh at nagkaroon ng isang seremonya sa Palasyo.

Magugunitang naglabas ng warrant of arrest ang ICC dahil sa ginawa nitong pag-atake sa Ukraine na ikinasawi ng maraming sibilyan.

May ilang grupo naman ang nagsagawa ng protesta sa labas ng paliparan kung saan lumapag ang eroplano ni Putin subalit agad itong naharang ng mga kapulisan.