-- Advertisements --

Dumating na sa North Korea si Russian President Vladimir Putin.

Personal na sinalubong siya ni North Korea leader Kim Jong Un sa paglapag ng eroplano nito sa paliparan ng Pyongyang.

Matapos nito ay nagsagawa sila ng motorcade at inikot ang ilang bahagi ng Pyongyang.

Makikita sa mga kalsada ang pagsalubong din ng mga mamamayan ng North Korea kung saan ang iba ay may bitbit na bandila ng Russia.

Huling bumisita kasi si Putin sa North Korea ay noon pang 2000.

Matapos ang pagbisita ni Putin sa North Korea ay magtutungo din ito sa Vietnam.