-- Advertisements --

Mismong ambassador ng Russia ang nagkumpirma na bibisita ng Pilipinas sa unang pagkakataon ang kanilang Presidenteng si Vladimir Putin matapos imbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inanunsyo ni Ambassador Igor Khovaev ang balita sa isang forum nitong Sabado ng hapon sa Quezon City.

Hindi pa man binanggit ng opisyal ang petsa ng pagdating ni Pres. Putin ay umaasa itong sa lalong madaling panahon dadalaw ang itinuturing ng mundo na kontrobersyal na lider ng Russia.

“At this moment, I can only express my hope that this visit will be paid as soon as possible. When? I don’t know, but we will do our best to arrange his visit as soon as possible,” ani Khovaev.

Kung maalala, dalawang beses nang bumisita si Duterte sa Russia.

Una noong 2017 kung saan agad din itong umuwi dahil sa Marawi seige, at ang sumunod na visit ay nitong buwan lamang ng Oktubre.

Dito lumagda ng P620-milyong deal ang dalawang bansa.