-- Advertisements --
Magsasagawa ng live televised broadcast ngayong araw si Russian President Vladimir Putin matapos arestuhin ng mga otoridad ang apat na Russian citizen na di-umano’y suspek sa pag-atake sa isang passenger jet noong 2014 sa Ukraine.
Inaasahan na itatanggi ni Putin ang mga akusasyon na nagdadawit sa Russia kung saan ito mismo ang nagpadala sa apat na separatists upang isagawa ang pag-atake pati na rin ang mga haka-haka ng iilan sa pagprotekta umano ng Russia sa mga suspek.
Sasagutin din ng presidente ang mga katanungan tungkol pension reform at Nato expansions.
Target ni Putin ngayong taon ang muling ilapit ang sarili sa kaniyang mga nasasakupan matapos bumagsak ang kaniyang popularity rating.