-- Advertisements --

Niregaluhan ni Russian President Vladimir Putin si North Korean leader Kim Jong Un ng isang magarang kotse na gawang Russia.

Ang limouseine ay natanggap mismo ng top aides ng leader ng North Korea.

Kinumpirma ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na ang nasabing sasakyan ay isang Aurus, na full-sized luxury sedan na gamit mismo rin ni Putin.

Kilala ang dalawang bansa na may mahigpit na ugnayan mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.

Mariing itinanggi rin ng North Korea na nagsu-suplay ito ng mga armas sa Russia na ginagamit sa pag-atake sa Ukraine.