Nagpahayag ng pagpayag si Russian President Vladimir Putin na bisitahin ang Pyongyang sa North Korea sa lalong madaling panahon.
Ito ay matapos na siya ay makipagkita kay North Korean Foreign Minister Choe Son Hui sa Russia kamakailan lamang.
Pinasalamatan din ni Putin ang pinuno ng North Korea na si Kim Jong Un sa kanyang imbitasyon na bumisita sa nasabing bansa.
Ito ang magiging unang paglalakbay ng pinuno ng Russia sa North Korea sa nakalipas na mahigit dalawang dekada.
Sinabi ng tagapagsalita ng Kremlin na si Dmitry Peskov na umaasa ang Russia na ang pagbisita ni Putin sa North Korea, ay magaganap sa lalong madaling panahon.
Sa pagbisita ni Foreig Minister Choe, pinasalamatan ng Russia ang North Korea para sa suporta at pakikiisa nito sa operasyong militar nito sa Ukraine.
Una na rito, ang kooperasyon sa pagitan ng Pyongyang at Moscow ay aayon sa diwa ng U.N. Charter at iba pang international laws.