-- Advertisements --
vlad putin

Hindi dadalo sa isang pagtitipon ng mga pinuno mula sa Group of 20 (G20) sa Bali sa susunod na linggo si Russian President Vladimir Putin.

Si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov ang dadalo ayon kay Jodi Mahardi, tagapagsalita para sa Coordinating Minister of Maritime and Investment affairs.

Napag-alaman na dadalo sa pagtitipon si Putin virtually.

Bilang host ng G20, nilabanan ng Indonesia ang panggigipit mula sa mga Western countries at Ukraine na bawiin ang imbitasyon nito kay Putin mula sa leaders summit at paalisin ang Russia mula sa grupo dahil sa digmaan sa Ukraine, na nagsasabing wala itong awtoridad na gawin ito nang walang pinagkasunduan sa mga miyembro.

Ang Pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo sa isang panayam ay nagsabi na ang Russia ay malugod na tinatanggap sa summit, na kanyang kinatatakutan na matabunan ng “nakakabahala” na pagtaas ng mga international tension.

Inimbitahan din ng Indonesia si Ukrainian President Volodymyr Zelensky, na nagsabing hindi siya sasali kung sasali si Putin.

Ilang iba pang world leaders ang nakatakdang dumalo sa summit na magsisimula sa Nob. 15, kasama sina U.S. President Joe Biden at Chinese President Xi Jinping.