Pinuri ni Russian President Vladimir Putin ang bilateral meetings kasama ang pangulo ng Iran at Turkey kung saan tinalakay ang usapin sa Syrian conflict at intervention ng Russia sa Ukraine na ginanap sa Tehran, Iran.
Ayon sa Russian leader na naging useful at substantial ang Syria summit sa Tehran at inilarawan din ito na business-like at constructive.
Sinabi nito na ini-adopt ng tatlong lider kasama sina Iranian President Ebrahim Raisi at Turkey President Recep Tayyip Erdogan ang isang joint declaration para sa kasunduang pagpapalakas pa ng kooperasyon sa interest ng normalization sa sitwasyon sa Syria.
Aniya, napag-usapan nila ni Erdogan, ang pag-export ng grain ng Russia at Ukraine gayundin ang food security sublit hindi na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye.
Maalala na nahinto ang shipments mula sa Ukraine na isa sa itinuturing na world’s biggest exporters ng trigo at iba pang grain products dahil sa military intervention ng Russia sa Ukraine na pinag-ugatan ng pangambang pagkakaroon ng looming global food crisis.