-- Advertisements --
image 4

Nagbigay ng prestihiyosong award o Order of Friendship si Russian President Vladimir Putin sa American actor na si Steven Seagal para sa kooperasyon nito at suporta dekada na ang nakalilipas

Ang Hollywood actor na si Seagal ay sumali sa pro-Kremlin party, na nagmumungkahi ng mas mahihigpit na batas sa bansa.

Noong 2018, hinirang ng Russian foreign ministry si Seagal bilang isang espesyal na kinatawan para sa Russian at United States humanitarian ties.

Nabigyan siya ng Russian citizenship noong 2016, nang personal na iniabot ni Putin ang isang Russian passport sa aktor.