-- Advertisements --
VLADIMIR PUTIN

Iniutos ni Russian President Vladimir Putin ang ceasefire sa buong line of contact sa Ukraine.

Ito ay simula tanghali ng Biyernes (oras ng Moscow) hanggang hatinggabi ng Sabado.

Ginawa ito ng Pangulo matapos ang Patriarch of Moscow and All Russia Kirill ay nananawagan para sa isang Christmas ceasefire sa Ukraine at Donbass upang ang “Orthodox people ay makadalo sa mga church services sa bisperas ng Pasko at Araw ng Pasko.”

Hinimok naman ni Putin ang Ukraine na gawin din ang kaniyang ginawa.

Ipinagdiwang ng Orthodox Christians ang Pasko sa Enero 7.

Samantala, binatikos ng Ukraine ang pansamantalang tigil-putukan ng Russia, ito inaakusahan ang bansa ng “pagkukunwari”.

Inatasan ni Mykhailo Podolyak, adviser ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang Russia na umalis sa mga sinasakop nitong teritoryo at panatilihin ang pagkukunwari sa kanilang mga sarili.”