-- Advertisements --
putin1

Ipinaabot ni Russian President Vladimir Putin sa grupo ng mga ina ng mga sundalong namatay sa bakbakan sa Ukraine na kasali siya sa sakit na nararamdaman ng mga ito kaugnay sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kaniyang inilabas na pahayag, sinabi rito na alam niyang walang makakapagpapalit sa pagkawala ng anak.

Napag-alaman na karamihan sa mga ina na dumalo sa pagtitipon ay mga miyembro ng pro-Kremlin movements.

Pinipili rin umano ang mga invited sa meeting.

Magugunitang, humigit-kumulang 100,000 Russians at 100,000 Ukraine army ang napatay o nasugatan mula noong nagsimula ang digmaan noong Pebrero 24, ayon sa pinakasenior na heneral ng US na si Mark Milley.

Sa isang pambihirang pag-amin, sinabi ng Kremlin noong Setyembre na may mga pagkakamaling nagawa sa pagpupursige nito na pakilusin ang mga reservist ng hukbo.

Nais ngayon ni Putin na makipagkita nang harapan sa mga ina upang marinig mula sa kanila mismo ang tungkol sa sitwasyon sa ground.

Top