-- Advertisements --

Matagumpay ang naging launching kaninang hapon ng Russian spacecraft sakay ang turistang bilyonaryo na si Yusaku Maezawa patungong International Space Station (ISS).

Ang naturang misyon ay sinasabing kauna-unahang ginastusan bilang bahagi ng turismo.

ISS russia japanese

Ang Russian rocket ay nag-take off sa bahagi ng Baikonur Cosmodrome sa Kazakhstan.

Mananatili si Maezawa at ang kanyang assistant na videographer na si Yozo Hirano ng 12 araw sa ISS.

Kasama nila ang veteran Russian cosmonaut na si Alexander Misurkin.

Idudukumento ng video producer ang pagiging turista ni Maezawa para sa YouTube channel ng billonaire.

Una rito si Maezawa ay sumailalim sa matinding training programme bago ang paglipad.

Siya ang unang space tourist na bibisita sa ISS sa matagal na ring panahon.