Tumama ang dalawang Russian airstrike sa isang medical center sa Ukraine sa lungsod ng Sumy habang lumilikas ang ilang mga pasyente at staff ng isang ospital.
Ayon kay Ukraine Interior Minister Ihor Klymenko, sa unang airstrike ay nasawi ang isa sa mga staff ng ospital habang sa pangalawang pagtama naman ng drone ay ilang mga pasyente naman ang naging biktima nito na nag resulta sa pagkakasawi ng 9 na indibidwal at pagkasugat ng 21.
Inanunsyo rin ni Sumy acting Mayor Artem Kobzar na ilang lokal na opisyal ang nakapansin na ang ginamit ng Russia sa pagatake ay mga Shahed drones.
Una na rito, iniulat na natamaan din ng isang airstrike ang hilagang-silangang bahagi ng Kharhiv na lungsod ng Slatyne kahapon kung saan tatlong tao ang nasawi habang tatlo rin ang sugatan na kinumpirma naman ni Gov. Oleh Syniehubov.
Ayon pa kay Syniehubov, isang residente din ang nasawi sa kalapit na bayan ng Kozacha Lopanna na biktima rin ng drone attack sa naturang bansa.
Samantala, sa lungsod naman ng Kryvyi, na home city ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng mga awtoridad sa ilalim ng gumuhong gusali na siyang tinamaan din ng isang russian missile noong Biyernes na naging dahilan ng pagkasawi ng apat na residente ng lugar.
Dagdag pa rito, sinabi naman ng Russian Defense Ministry, na ang airstrikes ay para ma-shutdown ang mga operasyon ng apat na Ukrainian drones sa rehiyon ng Belgorod at isa naman sa Kursk region na parehong border ng naturang bansa.