
Kinumpirma ng opisyal ng Russia na tinamaan ng sea drone ng Ukraine ang isang Russian tanker na may lulang 11 crew members malapit sa Crimea.
Nasira din aniya ang engine room ng naturang barko sa magdamag na pag-atake sa Kerch strait subalit wala naman umanong naitalang nasugatan.
Ang pag-atake nitong araw ng Sabado ang ikalawang beses kung saan gumamit aniya ng naturang weapon.
Bagamat sa naunang pag-atake ng Ukraine nitong Biyernes itinanggi ng Russia ang anumang pinsala sa kanilang naval base malapit sa Black sea.
Ang Naval drone o sea drones ay maliit at unmanned vessels na nago-operate sa ilalim ng karagatan kung saan maraming pagkakataon ng ginamit ng Ukraine ang sea drones sa kanilang pag-atake sa gitna ng giyera nito laban sa Russia.