Mula ng lusubin ng Russian forces ang Ukraine, naapektuhan ang global energy market dahil sa isa ang Russia sa largest oil producer.
Lumitaw din ang de facto embargo sa Russian oil dahilan kung saan ilang mga oil companies, trading houses , shippers at banks ang umatras na.
Subalit mayroong ilang sinyales na ilang mga potential buyers ang interesado sa Russian energy ng palihim.
Habang nagpapatuloy ang giyera sa Ukraine, ang russian tankers na naglalaman ng crude oil at mga produktong petrolyo ay mabilis umanong naglalaho mula sa tracking systems.
Sa tinatawag na dark activity kung saan ang ships transponders ay nakaturned off ng ilang oras pinaniniwalaan ng US officials na isang deceptive shipping practice na karaniwang ginagamit para matakasan ang ipinapataw na sanctions.
Batay sa predictive intelligence company na Windward,ang dark activity sa russian-affiliated crude oil tankers ay pumapalo ng hanggang 600% kumpara noong bago pa man magsimula ang giyera sa pagitan ng Russia at ukraine.
Nakikitaan ayon kay Windward CEO Ami Daniel na dumarami ang Russian tankers na nakapatay ang transmissions para aniya makaiwas sa sanctions kung saan sinisimulan na ng Russian fleet na itago ang kanilang kinaroroonan at ang kanilang mga ginagawang exportation hindi lamang sa crude oil kundi pati na rin sa mga produktong petrolyo.
Nasa kabuuang 33 naitalang dark activity ang Russian oil chemical at oil product tankers ayon sa Windward na gumagamit ng artificial intelligence para matrack ang maritime industry.