-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si tennis world number two Daniil Medvedev.
Dahi dito ay tuluyan na siyang umatras sa Monte Carlo Masters.

Ayon sa American Tennis Professional na naka-isolate na si Medvedev at kasalukuyan na itong minomonitor ang kaniyang kalagayan.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang 25-anyoas na Russian player dahil sa hindi nito paglaro sa Monte Carlo tennis ngayong taon.

Nakatuon na ngayon ang kaniyang atensiyon sa paggaling at tiniyak ang pagbabalik sa torneo matapos na malampasan ang nasabing virus.