-- Advertisements --

Naging sulit ang ginawang pagdepensa ni Russian tennis star Daniil Medvedev matapos ang tuluyang pagpasok nito sa finals ng Australian Open.

Tinalo kasi nito si Greek fourth seed player Stefanos Tsitsipas.

Ito na ang pangalawang taon na nakapasok ang Russian tennis player ng makuha ang score na 7-6(5) 4-6, 6-4.

Susubukan niyang mapigilan si Rafael Nadal na makuha ang 21 Grand Slam titles sa paghaharap nila sa finals ng Australian Open.