-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng US Open tennis si Daniil Medvedev matapos talunin si Felix Auger-Aliassime ng Canada.

Nadomina ng Russian tennis player ang laro sa score na 6-4, 7-5 at 6-2.

Nakapagtala ng pitong ace ang six foot, six inch na Russian player.

Ito naman ang pangatlong US Open straight semi-finals na pagsali ng Russian star.