-- Advertisements --

Inanunsiyo ng UK Ministry of Defence na ganap nang umatras mula sa hilagang Ukraine patungo sa Belarus at Russia ang Russian forces.

Ang ilan sa Russian troops ay lilipat sa eastern Ukraine upang makipagbakbakan sa Donbas region.

Sinabi ng Ukraine foreign minister na ang nangyayaring labanan sa Donbas ay magpapaalala sa mundo ng World War Two.

Nauna ng sinabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na marami ng kanilang tropa ang nawawala at isa itong malaking trahedya para sa kanila.

Napag-alaman na nauna nang nag-commit ang Amerika na magbibigay ng libu-libong higit pang mga armas sa Ukraine, kabilang ang mga anti-armor system at mga suicide drone.

Paulit-ulit na hinimok ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga miyembro ng NATO na mag-supply ng mas maraming armas sa kanilang bansa.