Hindi basta-basta ipadedeport ng gobyerno ng Pilipinas ang Russian Vlogger na inaresto ng CIDG kamakailan matapos na mambastos ng ilang Pilipino sa Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, kailangan munang harapin nito ang kanyang mga patong-patong na kaso .
Una nang idineklara bilang ‘undesirable alien’ ang naturang vlogger matapos ang insidente at kasalukuyang nasa ilalim ng ‘restrictive custody’ ng Bureau of Immigration.
Ang patong-patong na kasong kahaharapin nito ay may kaugnayan sa ginawa nitong pang-aagaw ng armas sa isang SG, harrasment at pambabastos sa isang matanda sa BGC at iba pa.
Mananatili ito sa detention facility ng BI habang hinihintay ang magiging hatol sa mga kasong ihahain laban sa kanya.
Muli namang binalaan ng ahensya ang mga local o foreign vloggers na igalang ang umiiral na batas ng bansa .