-- Advertisements --

Kinumpirma ng Russian defense ministry na matinding napinsala ang Moskva missile cruiser, flagship ng Black Sea fleet ng Russia matapos ang pagsabog na ayon sa Ukrainian official ay resulta ng kanilang Neptune attack.

Sinabi din ng Russian defence ministry na inilikas na ang mga sakay na crew habang inaalam pa ang dahilan ng pagkasunog ng warship.

Nauna ng sinabi ng governor ng Odesa na si Maksym Marchenko na tinamaan ng missile strikes ng Ukrainian forces ang flagship ng Russia.

Ang missile cruiser na Moskva ay naglalaman ng 16 P-1000 Vulkan anti-ship missiles at anti-submarine at mine-torpedo weapons. Mayroon din itong long-range S-300 surface-to-air missile systems para sa air defense.

Pinaniniwalaang ito ang ikalawang major Russian warship na nagtamo ng matinding pinsala simula ng ipag-utos ni Russian President Vladimir Putin ang pagsalakay sa Ukarine noong Pebrero 24.

Noong nakaraang buwan, iniulat ng Ukraine na nawasak nito ang large landing ship, ang Orsk sa Azov Sea malapit sa besieged port city ng Mariupol.