-- Advertisements --
VLADIMIR PUTIN
Russian President Vladimir Putin

Todo pagyayabang ngayon ang pamahalaan ng Russia matapos makaimbento raw sila ng tinatawag na bagong hypersonic weapon of intercontinental range.

Iniulat ng Russia’s defence minister kay President Vladimir Putin na operational na simula ngayon ang hypersonic weapon of intercontinental range matapos ang ilang taon na tests.

Ayon kay Defence Minister Sergei Shoigu, inabisuhan nila si Putin na ang kanilang first missile unit ay merong Avangard hypersonic glide vehicle na 27 beses na mabilis pa sa speed of sound.

Una nang inilarawan ni Putin na ang Avangard ay isang “technological breakthrough” na maihahalintulad noong 1957 Soviet launch ng first satellite.

Sinabi na rin ng Russian military na ang pagkakabuo nila sa hypersonic weapon ay kaya nitong iwasan ang U.S. missile defense systems.

US Space Force
United States Space Force Graphic

Sa Estados Unidos nito lamang nakalipas na mga araw ay pinasinayaan ni US President Donald Trump ang kauna-unahang Space Command bilang pangdepensa ng Amerika kung sakali sa space wars.