-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 18 buwan ang armorer ng pelikulang “Rust” na si Hannah Gutierrez-Reed.

Napatunayan ng korte na guilty ito sa naganap na pagkakabaril kay Halyna Hutchins.

Ang dating armorer ng pelikula ay nahatulan ng manslaughter dahil sa papel nito sa pagkakasawi ni Hutchins.

Dinala na ito sa correctional facility sa New Mexico.

Magugunitang nasawi si Hutchins matapos na malagyan ng tunay na bala ang baril na ginamit sa pelikula ni Alec Baldwin.

Sugatan din sa insidente ang director ng pelikula na si Joel Souza sa set ng pelikula noong 2021.

Bukod sa pagkakakulong ay pinagbabayad pa itong korte ng halagang $5,000.