-- Advertisements --

Aarangkada na ngayong araw sa Quezon City ang bagong ruta ganun din ang pick-up and drop off points ng mga bus augmentation program.

Ilan sa mga dito ay mula sa Quezon City Hall to Cubao, Quezon City Hall hanggang Aurora Boulevard, Quezon City Hall hanggang C5/ Ortigas Avenue Extension at iba pa.

Sinabi Quezon City Mayor Joy Belmonte na pinag-aralan nilang mabuti ang mga ruta para na rin sa kaginhawaan ng mga mananakay.

Umaasa ito na ang bus augmentation program ay maiibsan na ang problema sa kakapusan ng mga sasakyan at para makarating sa tamang oras sa kanilang mga pupuntahan.

Nauna rito pumirma ng memorandum of agreement si Belmonte at ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) para masolusyunan ang problema sa transportasyon.