-- Advertisements --
image 119

Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nakaapekto lamang sa 10% ng mga ruta sa Metro Manila ang unang araw ng isang linggong transport strike laban sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Technical Division head Joel Bolano, may mga specific routes din umano ang talagang mabigat ang daloy ng trapiko.

Aniya, nakapag-deploy na ang naturang board ng mga rescue bus at iba pang sasakyan ng gobyerno para magbigay ng libreng sakay sa mga commuters na apektado ng transport strike.

Umabot sa 100 units ang naka-standby noong unang araw ng tigil-pasada para sa libreng sakay.

Dagdag dito, naapektuhan ng transport strike ang mga lugar sa Metro Manila, Region 4A, at Region 3, ngunit normal naman daw ang natitirang bahagi ng bansa.

Layunin ng programa na palitan ang mga tradisyunal na jeepney ng mga sasakyang pinapagana ng mas environment-friendly na gasolina.

Una nang pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang June 30 na deadline para sa mga jeepney operator na bumuo ng mga kooperatiba hanggang December 31, 2023.