CENTRAL MINDANAO – Magkasamang dumating si Department of Science and Technology (DOST) OIC regional executive director Engr. Mahmud Kingking at DOST provincial director Michael Tamano upang makipagpulong kay Governor Nancy Catamco upang ipresenta ang kanilang mga programa laban sa COVID pandemic.
Inilahad ni Director Kingking, na nakapaglaan sila ng 11 units ng RxBox na nakatakdang maibigay sa bayan ng Makilala, Carmen, Aleosan, M’lang, Magpet, Pikit, Tulunan, Matalam, Antipas at sa Integrated Provincial Health Office (IPHO).
Ipinaliwanag ni Kingking ang kahalagahan ng RXBox at anu ang magagawa nito.
Ang RxBox ay isang multi-component program (biomedical device, electronic medical record system at telemedicine training.
Nakadesinyo ito upang makapahatid ng mas maiging serbisyong medical para sa kaligatasan at matulungan ang mamamayan sa kanayunan.
Ipinaliwanag ni PD Tamano na ang RX Box ay may kakayanang medikal dahil sa.mga built-in sensors nito, nakakalikom ito ng datus gamit ang electronic medical record sa (Community Health Information Tracking System – CHITS), at maari itong magpadala ng health information gamit ang internet sa mga Specialists ng Phil. General Hospital kung nangangailangan ng payo mula sa mga eksperto.
Sinabi ni Tamano na malaking tulong ang RxBox upang mabawasan ang gastusin sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong medikal.
Ito ay dahil magagamit ang RXBOX sa pag diagnose, monitor at pagpapagaling sa mga pasyente gamit ang teleconsultation (audio-video conferences) lalo na ngayon may covid pandemic.
Hiniling rin ng DOST sa Gobernadora ang pag-install ng STARBOOKS sa mga barangay at mga paaralan sa probinsya.
Ipinaliwanag nila sa gobernadora na ang Starbooks ay isang programa na may lamang libo-libong digitized science and technology resources sa ibat-ibang kaanyuan (text/ audio/ video) na naipasok sa mga “pods” at nailapag sa isang user friendly interface at ma-access sa cellphones.
Kaugnay nito nais ng Gobernadora na magkaroon ng pulong kasama ang DepEd upang mapag-usapan ang mga pangangailangan upang ma-access ng mga kabataan at mamamayan ang teknolohiya na gawa ng DOST.
Sinabi ng gobernadora na labis na makatulong ang Starbooks dahil isa pala itong Information Kiosk na maaring ma-access kahit walang internet. Gamit nito ay intranet.
“Isa syang compendium of S&T information na nakuha ng DOST mula sa buong mundo. Mayroon diumano itong features videos na tinawag nilang “Tamang DOSTkarte Livelihood Videos” na naihanda para sa lahat ng mga Pinoy na interesado magtayo ng sariling negosyo.
Kasama rin sa pulong si BM Onofre Respicio, DOST asst regional director Sammy Malawan.