-- Advertisements --

Itinanggi ni dating PBA coach Ryan Gregorio na interesado raw ito na maging susunod na head coach ng Gilas Pilipinas.

Ayon kay Gregorio, wala raw katotohanan ang mga kumakalat na balitang nag-volunteer daw ito para sa pagka-coach ng Gilas makaraang bumaba sa puwesto si Yeng Guiao.

Giit ni Gregorio, kuntento raw ito sa kasalukuyan nitong trabaho bilang special assistant ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

Gayunman, inihayag ni Gregorio na tutulungan pa rin nito ang Gilas sa anumang paraan na kanyang makakaya.

“That’s not true. Of course not. Volunteering, that’s a very tough term. I don’t volunteer but I will always make myself available for Philippine basketball but not necessarily as a coach,” wika ni Gregorio.

Kasalukuyang naghahanap ngayon ang SBP ng bagong head coach kasunod ng pagbibitiw ni Guiao dahil sa nakakadismayang performance ng mga Pinoy sa Fiba Basketball World Cup.

Nagmamadali na rin ang mga basketball officials lalo pa’t nalalapit na ang hosting ng bansa sa Southeast Asian Games sa buwan ng Nobyembre.