-- Advertisements --

SEOUL – Mariing kinondena ng South Korea ang pagpapakawala ng North Korea ng ballistic
missile Linggo ng umaga na isang seryosong banta sa kapayapaan at seguridad sa Korean peninsula at malinaw na paglabag sa resolutions ng U.N. Security Council.

“North Korea’s repeated provocations show the Kim Jong Un regime’s nature of irrationality, maniacally obsessed in its nuclear and missile development,” pahayag ng South Korean defense foreign ministry.

Kinondena din ng Japan ang missile launch at tinawag na isang provocation na hakbang ang ginawa ng North Korea.

Ayon sa U.S. at South Korean military sources na ang nasabing missile ay hindi isang Intercontinental Ballistic Missile (ICBM).

Sa kabilang dako, binigyan alam na ni U.S. President Donald Trump ang ginawa ng Nokor at na briefed na ito kaugnay sa missile launch.

Kasalukuyang mino-monitor ngayon ng White House ang sitwasyon.

Ayon sa U.S. military na kanilang na-detect ang isinagawang missile launch ng North Korea at kanila itong ina-assess sa ngayon. ( Reuters)