-- Advertisements --

Kumpyansa si South Korean President Moon Jae-In na magkakaroon ng kasunduan tungkol sa denuclearisation sa Korean Peninsula kung sakaling matuloy ang ikatlong summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.

Ayon kay Moon, handa ang kanyang gobyerno na pangunahan ang ikatlong summit ng mga ito matapos ang hindi matagumpay na pagpupulong nina Kim at Trump noong Pebrero sa Hanoi, Vietnam.

Plano rin daw nitong imbitahin ang pangulo ng North Korea sa gaganapin na 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-South Korean anniversary summit sa Nobyembre ngayong taon ngunit kailangan muna itong pagdiskuyonan ng mga Asean members.

Dagdag pa ni Moon dahil umano sa summit sa pagitan ng North at South Korea pati na rin ang dalawang summit nina Trump at kim ay bahagyang nabawasan ang tenyon sa Korean Peninsula dahil sa ginanap na at naging malaki ang posibilidad na magkaroon na ng maayos na usapan tungkol sa nuclear program ng North Korea.