DAVAO CITY – Sa ika-14 na pagkakataon, nanguna na naman ang Davao sa buong bansa na may pinakamataas na kaso ng mga nagpositibo ng Covid-19.
Kahapon ay nakapagtala ang siyudad ng 187 na mga nagpositibo ito ay base sa datus na inilabas ng Department of Health Central Office.
Una ng sinabi ni DOH XI Regional Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Cleo Fe Tabada na aasahan pa ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Davao City dahil sa ipinatupad na Aggressive Community Testing (ACT) sa nakaraang linggo sa mga barangay na kabilang sa High risk dahil sa dami ng mga nagpositibo.
Marami rin umanong mga indibidwal ang lumalabas ay hindi tumupad sa minimum health standards laban sa Covid-19.
Ang patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa covid-19 ang dahilan na muling isinailalim ang Davao sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa Disyembre 31 nitong taon.