Ipinagmalaki ni NBA star Anthony Davis na kayang kaya na ng kanyang bagong team na Los Angeles Lakers na makipagsabayan sa sinumang NBA team ngayon.
Kung maaalala ang former No. 1 pick at six-time All-Star na si Davis ay nasungkit ng Lakers mula sa Pelicans nitong free agency season.
Para kay Davis, 26, sa tingin niya sa kanilang line up ngayon ay tiyak daw na sila ang mamayani sa isang seven-game series laban sa sinumang koponan.
Bago ito hindi naman naitago ni Lakers general manager Rob Pelinka ang kanyang paghanga sa bago nilang na-recruit.
Ani Pelinca sa kanyang pagpapakila kay Davis sa news conference, tinawag niya ang forward/center bilang “complete basketball player” at isa sa “the most dominant young basketball player in the world.”
Binigyan namang pagkilala ni Davis si LeBron James na nasa likod daw kung bakit naging madali ang kanyang paglipat.
Ang dalawa ay teammate din sa All-Star Games, Olympics at iisa lamang ang agent na si Rich Paul ng Klutch Sports.
“But when I found out I was getting traded to the Lakers, I realized it was an unbelievable opportunity for me to be here with a wonderful organization, and then to play alongside LeBron and obviously now the players that we have now,” ani Davis.
Samantala ang iba pang nasa roster ngayon ng Lakers ay sina Kyle Kuzma, Danny Green, Avery Bradley at dating mga Pelicans teammates ni Davis na sina DeMarcus Cousins, Rajon Rondo at JaVale McGee.