-- Advertisements --
received 515237165705202

Wala umanong pinagsisisihan si Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin sa pagiging pinuno ng kataas-taasahang hukuman kasabay ng nalalapit nitong pagreretiro sa Biyernes, Oktubre 18.

Sa talumpati ni Bersamin sa kanyang huling flag raising ceremony sa Korte Suprema, sinabi ni nitong ramdam niya ang “deep sense of personal satisfaction” sa pagtatrabaho nito sa SC.

Hinikayat din ni CJ Bersamin ang mga empleyado ng SC na laging maging tapat sa hudikatura.

“Continue doing your assigned tasks and work but please be constant in your loyalty to the judiciary as our institution and be steadfast in your fealty to the letter and spirit of the Constitution and to the rule of law,” ani Bersamin.

Si Bersamin ang ika-25 punong mahistrado ng Korte Suprema na nagnananais na maalala bilang isang “Healing Chief Justice.”

Una rito, pansamantalang isinara pa sa mga motorista ang kahabaan ng Padre Faura Street para sa seremonya ng paggagawad ng arrival honors kay Bersamin.

Nauna na ring isinagawa nooong Biyernes ang seremonya naman para ng kanyang pagreretiro.

Binigyang parangal ito at pinagkalooban ng mga tokens o memorabilia na ibinibigay ng SC sa isang nagreretirong mahistrado ng Korte Suprema.

Samantala, dumalo naman sa okasyon ang lahat na mga justices liban lamang kay SC Associate Justice Jose Reyes, Jr.

Si Reyes ay kabilang sa apat na mga incumbent justices na nag-aambisyong sumunod bilang bagong SC.

Ang iba pa ay sina Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe at Andres Reyes, Jr.

Supreme Court Justices