-- Advertisements --

Posible sa unang bahagi pa ng 2022 mababakunahan laban sa COVID-19 ang nasa 70 percent na populasyon ng bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na posible sa pagtatapos ng 2022 ay nasa 50 percent ng populasyon ng bansa ay nabakunahan na.

Ang nasabing pahayag ay una na ring sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa mahigit 25-milyon individual ang fully vaccinated na o katumbas ng mahigit 33 percent ng target na 77.1 milyon.