-- Advertisements --

Sa kauna-unahang pagkakataon sa sikat na beauty pageants sa Amerika na Miss USA, Miss Teen USA at Miss America ay kinoronahan ang black women.

Mula kasi noong 1920 ay pinipili ang kulay ng mga babaeng sumasali sa nasabing pageants na ikinalungkot ng mga ibang kababaihan.
Matapos lamang ang 50 taon ay pinayagang makasali ang mga black Americans.

Nakuha kasi ni Cheslie Kryst ang 2019 Miss USA habang Miss Teen USA si Kaleigh Garris at 2019 Miss America si Nia Franklin.

Unang tinanghal na black Miss America si Vanessa Williams noong 1983, habang si Carole Anne-Marie Gist ay unang black Miss USA constestant na kinoronahan noong 1990 na sinundan ni Janel Bishop bilang unang black Miss Teen USA noong 1991.