KALIBO, Aklan – Naimbeto ng isang babaeng scientist mula sa Davao City ang binansagang “healthy beer.”
Ang “Ale beer” na ipinagmamalaki ni Kriza Faye Calumba ay resulta ng kaniyang dalawang taon na pag-aaral sa United States of America at kasalukuyang assistant professor sa Department of Food Science and Chemistry sa University of the Philippines Mindanao.
Taon 2017 nang makatanggap siya ng full bright-CHED (Commission on Higher Education) scholarship para makapag-aral sa Louisiana State University sa USA at doon niya nagawa ang Ale beer.
Taglay nito ang 4.39% alcohol content at probiotics immobilized by durian powder.
Ipinaliwanang ni Calumba na kaya tinawag itong healthy beer ay dahil sa presensiya ng probiotics na maganda para sa gastrointestinal health.
Ang nasabing research project ni Calumba ay kinilala kamakailan lamang sa annual conference ng International Food Technologist Inc., at naging third place sa Biotechnology Division Poster sa Chicago, Illinois.