Maghaharap sa 2025 Miami Open Finals ang magkaribal na sina Aryna Sabalenka at Jessica Pegula.
Ang dalawang player ang tanging naiwan mula sa mga magagaling na women tennis stars na sumabak sa naturang turneyo mula noong magsimula ito nitong Marso-30.
Si Sabalenka ang kasalukuyang World No. 1 habang si Pegula ay nagsisilbing World No. 4, kapwa nasa top tier ng Women Tennis Association(WTA) ranking.
Una nang nagharap ang dalawa sa ilang pagkakataon kung saan ang pinakahuling laban ng mga ito ay ang 2024 U.S. Open final, kaya’t ang magiging laban ng dalawa sa Miami Open ay mistulang rematch.
Sa naturang turneyo, tinalo ni Sabalenka si Pegula sa straight set, 7-5, 7-5.
Sa kasalukuyan, pabor kay Sabalenka ang record (6-2) kasunod ng kanilang serye ng head-to-head match.
Bago nito, tinalo ni Sabalengka ang Italian tennis player na si Jasmine Paolini habang pinataub naman ni Pegula ang Pinay tennis player na si Alex Eala.
Gaganapin ang laban sa pagitan ng dalawa bukas, March 29, 2025, oras sa Pilipinas.