-- Advertisements --
Nakamit ni world number 1 Aryna Sabalenka ang kampeonato sa Miami Open matapos na talunin si Jessica Pegula.
Nakuha ng Belarusian player ang scorena 7-5, 6-2 sa WTA 1000 event sa Hard Rock Stadium.
Ito ang unang Miami Open title ni Sabalenka at ikalawa naman sa season na unang nagkampeon sa Brisbane Open noong Enero.
Sinabi nito na hindi naging alinlangan ang pagkatalo niya noong nakaraang mga linggo sa Indian Wells kay Mirra Andreeva ang 17-anyos na Russian tennis star.
Dagdag pa niya na labis ang kaniyang kasiyahan dahil sa ginawa niya ang lahat ng mga makakaya para maipanalo ang laban.
Ito na ang pangatlong paghaharap nila ni Pegula sa finals kung saan lahat ay napanalunan ni Sabalenka.