Nanawagan si PASALORD Movement founder Mrs. Bing Pimentel sa sambayanang Pilipino para sa isa na namang nationwide synchronized interfaith moment prayer na nakatakda sa darating na February 6, 2020 alas-12:00 ng tanghali.
Ang unang Huwebes ng buwan ng Pebrero ay siyang araw na itinakda para sa nationwide synchronized interfaith moment of prayer basi na rin sa pinagtibay na proclamation ng Senado na Resolution No. 1002.
Ayon kay Pimentel, layon ng nasabing hakbang para hikayatin ang lahat ng mga Pilipino sa Pilipinas at nasa abroad na magdasal ng sabay-sabay para sa kapayapaan ng ating bansa.
Sinabi ni Mrs. Bing “pray wherever you are with whomever you’re with.”
Aniya, kailangan ng ating bansa ang dasal lalo na dumanas ng iba’t ibang mga kalamidad.
Dahit dito mahalaga raw na maipagdarasal ang ating bayan lalo na ang mga kaganapan ngayon.
Ang nasabing dasal na tatagal ng isang minuto lamang ay available sa iba’t ibang lenggwahe gaya ng English, Filipino, Cebuano at Hiligaynon.
Kabilang sa mga tumugon sa panawagan ng PasaLord Movement para sa synchronized prayer ay ang Philippine Council of Evangelical Churches, Imam Council of the Philippines, Catholic Bishops Conference of the Philippines at Campus Crusade for Christ.
Siniguro naman ng PNP na susuportahan nila ang nasabing hakbang, maging si Vice-President Leni Robredo at ang Senado.
Ayon pa kay kay Nanay Bing hinihintay na lamang nila ang tugon ng Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang mga justices ng Supreme Court.
Binigyang-diin din ni Mrs. Pimentel na ang mga prayer request ay maaari nilang ipadala sa pamamagitan ng email o text messages.
Tiwala rin ito na sa gagawing sama-samang pagrasal sa February 6 ay inaasahang makikilahok ang nasa mahigit 1 million na mga Filipino.