DAVAO CITY – Naniniwala ang isang health official na isa umano sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Sta. Maria, Davao Occidental ay kinabibilangan ng mass gatherings, kasama na rito ang sabong at gambling activities.
Ayon kay Dr. Doreen Lolette Arciaga, incident commander for COVID-19 Response sa Sta. Maria, Davao Occidental, na ang Sta. Maria ang may pinakataas na kaso sa probinsiya.
Karamihan umano sa mga ito ay lumabag sa mga health protocols ay base na rin sa kanilang contact tracing history.
Sinasabing mahigpit na ipinatupad sa lalawigan ang mga polisiya kung saan kabilang dito ang pagbabawal sa sabong at sugal na siyang dahilan ng COVID-19 transmission.
Sa kasalukuyan karamihan umano sa mga active cases sa probinsiya ay ang mga pasyente na mahilig sa online sabong.